Monday, July 26, 2010

B's REQUEST



Kinilig si B nung nabasa tong blog ko. Kanina pag-uwi sabi nya gumawa pa daw ako. Ito lang kasi ata ang na-access nya sa Office nila, inspirasyon nya daw para di uminit ang ulo nya sa mga iritadong customer nya. Call center agent si B at ako naman isang butihing may bahay nya. =) Maalaga si B katunayan nyan nung una kaming nagkita 90lbs lang ako pero ngayon 120lbs na. At ngayon pilit kong binabalik sa dati ang timbang ko, at hindi yun madali. Ngayong araw ko lang napagdesisyunang alisin na ang rice sa pagkain ko. Wish ko lang kayanin ko. Sa pagkain kasi kami sobrang nagkakasundo ni B, madalas kaming kumain sa labas. Natuto din akong magluto dahil sa kanya. At lahat ng luto ko paborito nya.

Live-in kami ni B ng mahigit 2 years na. Pero hindi yun halata kasi sweet parin kami palagi, di kami nagsasawa sa isa't isa. Di kami nawawalan ng pagkukwentuhan, madalas madami syang baong tsismis galing office nila. PDA kami kung PDA pero light lang. Sabi kasi sa wiki PDA daw
"is the physical demonstration of affection for another person while in the view of others. Holding hands or kissing in public are commonly considered to be unobjectionable forms of public displays of affection". Madalas holding hands kami sa jeep, paglabas ng bahay,sa mall, at sa lahat ng lugar. Tinatanggal lang namin pagkapawisan na pareho ang kamay namin. Nakikiss din kami pero smack lang. Medyo conservative din kasi si B.

Naalala ko dati nung nakasakay kami sa jeep, may kasakay kaming dalawang gay. Tinititigan nila si B at nag uusap sila gamit ang sarili nila language. Naiintindihan ko yung iba. "May fes." sabi nung isa. "ma, bayad po detachment lang." pag-abot ni B ng bayad, tumili sila at parang nandiri. "babae din pala." hahahaha! nakajacket kasi si B kaya di halata. Pero pagnagsalita, huli sya! Madalas nga syang natatawag na sir sa mall, palagay ko alam din nilang babae si B kaso naaasiwa lang silang tawaging ma'am kasi mukha na syang lalaki.

Mukha lang lalaki si B pero pagdating sa ugali mas babae sya kesa sa akin. Mas masungit sya, mas duwag, mas maarte. Mas madaldal lang ako kesa kanya. Tahimik lang sya, pero pag nagsalita may laman, may sense. Di sya mayabang. Kung medyo mahina ka di mo magegets ang jokes nya. Eto ata ang natutunan nya sa kakabasa ng libro na puro sarcasm.

Past time namin ni B ang manuod ng comedy cartoons, paborito namin yung may mga character na tangang tatay. "Family Guy, The Simpsons at American Dad" at ang mga salbaheng character tulad ng "south park" gantong comedy ang gusto namin. Di yung TWILIGHT. Last month kasi nanuod kami ng Twilight para lang makarelate sa sa mga kafacebook namin. At di ko alam na comedy pala yun, ewan ko ba. Bat di ako natatawa? Bat yung mga kasabay naming nanuod eh tawa ng tawa? Comedian ba yung tatay ni bella? Pag linya nya na kasi eh magtatawanan na naman yung mga katabi ko. Naisip ko tuloy "Naintindihan ko ba talaga ang pinanunuod ko?" Tiningnan ko si B di rin sya natatawa. Nabubwisit na sya sa katabi nya na salita ng salita na "si Edward, si Edward!" Habang nagkikiss si Bella at Jacob. "Hello Miss! alam kaya ni Bella na andun si Edward wag mo ng sabihin!" Kaasar pag ganto ang mga katabi mo sa movie house. Gusto ko naman ang Twilight dahil sa character ni Edward na parang too good to be true. Pero ang di namin makakalimutan ni B eh yung matambok na Pwet ni Jacob. Totoo ba yun? hehehe

No comments:

Post a Comment