Saturday, July 31, 2010

kulang na sukli

Ok na sana ang buong araw ko. Nabawasan ko yung santambak naming labahan, medyo nakapaglinis ng bahay. At may bisita kaming maliit na nilalang. Lumabas kami ni B punta kami ng ATC para makapagkita sa friend nya na di ko alam kung bat kami ininjan. Nag antay kami ng limang oras kasi sabi nya malelate daw sya coz he'll fix few things. Ewan ko lang kung ganu yun ka-few at nakalimutan nya na kami. Kumain nalang kami ni B habang naghihintay, Jamaican pattie tapos isang masarap na chocolate cake. Wala padin friend nya kaya pumunta kami ng power books para magbrowse browse at pagmasdan ang mga engliserang bulilit. Gutom na ulit si B kailangan na naming kumain ulit, diabetic kasi sya kaya madali syang gutumin. Naghanap kami ng makakainan, sarado na yung gusto naming kainan kaya nag isip kami ng iba. Gusto ko ng sisig pero sisig ng Giligan's lang ang gusto ko. Gusto din ni B ng mozzarella stick. Di magandang idea... late ko ng narealize. Di masarap kumain pag umaalog ang bilbil mo dahil sa sobrang lakas ng sound system. Pag nagsisigawan at nagmumura ang katabi mong table na nag iinuman. Pag madaming tao at nagkukulang ang crew. Mas matagal pa kaming naghintay kaysa sa pag ubos ng pagkain namin.

Di na namin hinintay friend nya umuwi na kami. Dito nagsimulang matapos ang magandang araw ko. Deretso sa coin purse ang sukli sakin ni mamang driver, "magkanu sukli sayo?" tanung ni B. "dalawang piso." sagot ko. "Huh? sabi ko na sayong syite lang." nagsisimula na sya. "Di kita narinig. Di ko rin sure kung dalawang piso yun." pagtanggol ko sa sarili ko. Di na sya umiimik... Nakarating na kami ng bahay di nya parin ako pinapansin. Nagsisimula na akong magtransform. Nabubwisit na ako, nahiga sya sa kama at di man lang inalis yung mga nilabhang damit. Padabog kong tinanggal at isinalansan sa cabinet. Sira ang cabinet, humiwalay ang pinto.

Nakakapagod din pala. Di lahat ng relasyon perfect. Di lahat makakaunawa. Di lahat masaya. Di lahat magpapaubaya.

Pagmumukhain ka nyang tanga at papansinin ka nya na parang walang nangyari. Parehas tayo babae kaya dapat mas nauunawaan mo ako. Napapagod na akong amuhin ka.

Napapagod man ako pero di ibig sabihin na di na kita mahal. Tao lang kasi ako, di ako perfect. Hindi ako si superwoman. Binibigyan kita ng higit pa sa sobrang pagmamahal, kaya sana wag mong gayahin si mamang driver... suklian mo ako ng tama.

1 comment:

  1. Napapagod man ako pero di ibig sabihin na di na kita mahal.

    Totoo. Usually namimisinterpret yang mga ganyan. Sana matauhan din xa. Ganyan din ako ngayon pero endure. Tama! Endure lang.

    ReplyDelete