Sunday, August 22, 2010

Saturday, August 14, 2010

burittos overload

At last! natuloy din... After 2 consecutive Saturdays na di kami natutuloy, friday 'd 13th lang pala ang sagot.

Kumain kami ng mahal dahil sa kagustuhan ni B na matakaw ang mata.

Mexican food for a change.


uhmmm... yummy! Nachos @ Mexicali.


Order ni B sa takaw ng mata at para mahal lang ang kainin nya nag order sya ng El Gordo size ng burritos na kasing laki ng braso ko.



Di nya nakain ng tama kasi di magkasya sa bibig nya kaya tininidor nya nalang. Kulang pa sa 1/4 ang nakain nya kaya kinabukasan eto padin ang kinain ni B. takaw kasi ng mata!


Masarap naman yung kinain namin kaso sobrang nakakaumay... Kahit regular size hirap ubusin.
Kaya kelangan na namin ng pantagal umay. sa San Mig pub kami at nakilala si...

mai tai
Masarap sya parang orange juice lang talaga. =)

Nakilala ko din si weng weng
di naman sila nagkakalayo ni mai tai ng lasa.


Kelangan magkape kaya Starbucks ang last stop.

Pagkauwi sa bahay, deretso sa banyo, pasok ang daliri sa bibig. solved! di na masakit ang tyan ko, naimpatso ako.





Tuesday, August 3, 2010

a feeling of intense dislike

Hindi to mawawala kanino man. Lahat tayo may kanya-kanyang kinaiinisan at kinabubwisitan. Minsan nga mukha palang nila nakakasira na ng araw mo.

Marami ako nito...

Si A syempre ang una sa listahan ko. Ok naman kami nung una tolerable pa naman yung kayabangan nya. Pinakikisamahan ko na rin kasi kaibigan sya ni B. Pero di yun nagtagal, nakilala nya kapatid ko, mas yumabang pa sya. Mas nabwisit ako, ok lang minsang magyabang pero sana totoo ang pinagmamayabang mo. Parang may bagyo lagi pag kasama namin sya, punong puno sya ng hangin.

Si R a.k.a "Mr. Know-it-all", boyfriend sya nung kapatid ni B nakakabwisit din itsura nya. Lalo na pag nagsasalita sya at nagliliparan ang laway nya at maaamoy mo ang mabahong hininga nya. Plus ang putok nya. Nakakahilo! Grabe to, feeling alam nya lahat. Kahit mali na sya ipaglalaban nya pa din. Di talaga papatalo. Kahit na "composit" ang tawag nya sa "compose pit".

Si C, kapatid ni B at ang girlfriend ni R . Naapektohan ata ng anesthesia ang utak nya kaya biglang sumama ang ugali. Galit sya lagi kahit tanungin mo lang, laging pasigaw ang pagsalita. Laging defensive. Wala syang kaibigan. Lahat kasi inaaway nya. Kahit si R, pagmagkasama sila lagi lang silang nag aaway. Nakakarindi sila pareho.

Si S, dati kong boss. Ang nagsabi sakin na mahilig akong mag rason. Di ko alam bawal pala yun. Bawal palang ipagtanggol mo sarili mo. Gusto nya kasi "yes mam" ka lagi sa kanya.

at dito sa highschool classmate ko na to, di ko naman sya hate as a person. Di ko lang gusto ang maga pinagpopost nya sa facebook. Tulad nito,
"I'll been waiting forso long,,, But then willing to wait." eto pa, "Like you'll never see me again... like before!." one more, "This past few days... Puro nalang ako iyak.... Haist!! Nakangiti pero ndi abot hanggang mata. When I can smile again with happinest...('.')" at "let us hvng our lunch.,. Hmmn... Hungrynesz nq." Oh dba panalo. hehehe. Madalas di ko sya magets. Di naman ako magaling mag english pero di naman ako ganito. Magtatagalog nalang ako para di nalang ako mapahiya. hehe. hayyy...HAPPINEST! =)

Monday, August 2, 2010

SAY HEY (ILOVEYOU)



Ang bagong feel good song namin ni B. Parang ang sarap makisabay sa sayaw. Sana marunong kaming sumayaw.

I said Hey I be gone today
But I be back around the way
Seems like everywhere I go
The more I see the less I know
But I know one thing
That I love you


the best luck I had was you

Busog

Masaya na ulit kami ni B. Bati na kami, di daw kasi ako nakikinig. Mga babae talaga kami. Kaya Kumain nalang kami... Nung natirang pagkain sa kinain namin kagabi.



ang garlic rice na naligo sa mantika. Pero muntikan paring maubos ni B.


ang kapiranggot na litsong kawali na to katumbas ng isang kilo ang presyo.


poborito namin ni B. Mozzarella sticks! nam nam!


sisig na kinain namin ni B ng dinner hanggang almusal. =) mukha lang syang di masarap sa picture pero ito ang pinakamasarap na sisig na natikman ko.



eto ang pinakapaborito ko, ang kumain ng carcinogens. ang pagsusunog ng marshmallow habang naghihintay ma upload ang mga pictures sa taas.


Kahit minsan di ako ginutom ni B, busog ako lagi sa pagmamahal nya. =)






Saturday, July 31, 2010

kulang na sukli

Ok na sana ang buong araw ko. Nabawasan ko yung santambak naming labahan, medyo nakapaglinis ng bahay. At may bisita kaming maliit na nilalang. Lumabas kami ni B punta kami ng ATC para makapagkita sa friend nya na di ko alam kung bat kami ininjan. Nag antay kami ng limang oras kasi sabi nya malelate daw sya coz he'll fix few things. Ewan ko lang kung ganu yun ka-few at nakalimutan nya na kami. Kumain nalang kami ni B habang naghihintay, Jamaican pattie tapos isang masarap na chocolate cake. Wala padin friend nya kaya pumunta kami ng power books para magbrowse browse at pagmasdan ang mga engliserang bulilit. Gutom na ulit si B kailangan na naming kumain ulit, diabetic kasi sya kaya madali syang gutumin. Naghanap kami ng makakainan, sarado na yung gusto naming kainan kaya nag isip kami ng iba. Gusto ko ng sisig pero sisig ng Giligan's lang ang gusto ko. Gusto din ni B ng mozzarella stick. Di magandang idea... late ko ng narealize. Di masarap kumain pag umaalog ang bilbil mo dahil sa sobrang lakas ng sound system. Pag nagsisigawan at nagmumura ang katabi mong table na nag iinuman. Pag madaming tao at nagkukulang ang crew. Mas matagal pa kaming naghintay kaysa sa pag ubos ng pagkain namin.

Di na namin hinintay friend nya umuwi na kami. Dito nagsimulang matapos ang magandang araw ko. Deretso sa coin purse ang sukli sakin ni mamang driver, "magkanu sukli sayo?" tanung ni B. "dalawang piso." sagot ko. "Huh? sabi ko na sayong syite lang." nagsisimula na sya. "Di kita narinig. Di ko rin sure kung dalawang piso yun." pagtanggol ko sa sarili ko. Di na sya umiimik... Nakarating na kami ng bahay di nya parin ako pinapansin. Nagsisimula na akong magtransform. Nabubwisit na ako, nahiga sya sa kama at di man lang inalis yung mga nilabhang damit. Padabog kong tinanggal at isinalansan sa cabinet. Sira ang cabinet, humiwalay ang pinto.

Nakakapagod din pala. Di lahat ng relasyon perfect. Di lahat makakaunawa. Di lahat masaya. Di lahat magpapaubaya.

Pagmumukhain ka nyang tanga at papansinin ka nya na parang walang nangyari. Parehas tayo babae kaya dapat mas nauunawaan mo ako. Napapagod na akong amuhin ka.

Napapagod man ako pero di ibig sabihin na di na kita mahal. Tao lang kasi ako, di ako perfect. Hindi ako si superwoman. Binibigyan kita ng higit pa sa sobrang pagmamahal, kaya sana wag mong gayahin si mamang driver... suklian mo ako ng tama.

Thursday, July 29, 2010

THINGS THAT MAKE ME HAPPY



  • B. The love of my life. I don’t know what I’d do without her. I truly believe she completes me. (chessy!) =)
  • When B lets me know how special I make her feel.
  • Spending time with B and my family.
  • My family.
  • A clean house makes me happy. =)
  • Cooking nice meals for others, especially for B.
  • Getting laundry done.
  • Good music.
  • Seeing honest smile of people around me.
  • Taking pictures...of me... hehehe...
  • Hearing polite words.
  • Making people laugh.
  • South park, American Dad, The simpsons, Family Guy
  • Being in love
  • Knowing that I am loved.
  • Saying "I love you" and hearing it in return.
  • Hugs! lots of hugs!
  • chocolate cake. yummy!
  • Chinese Foods.
  • Learning something new.
  • Baguio.
  • A good night’s sleep.
But I'll be happier if I haven't met A. =)

MY TOP 10 HATE LIST


10. People talking in a loud voice. My both ears works perfectly, kaya kahit na mahinang boses naririnig ko pa din. Anu pa pag sobrang lakas? This people are so freaking irritating! Para silang nag uusap sa bukid na feeling nila eh ang layo-layo ng kausap nila.

9.
Strong perfumes. This makes me nauseous. Lalo na pag pinaghalong bango at baho ng taong may gamit.

8.
I hate homophobics. No need to explain.

7. Having to repeat myself.


6.
Having nothing to do. Parang nakakabaliw at gusto ko nalang saksakin ang sarili ko. =)

5.
People who say “I know what you’re feeling” when they never had to live your life, nor the situation you’re through.

4. Garbage collection service.
Nangangamoy na basura namin dahil 2 weeks ng nakatambak tapos may presyo pa ang donation nila. Pero pag malapit na ang pasko halos araw-araw gusto nilang kolektahin ang basura nyo tapos bukod sa donation may kasama pang sobre na may nakasulat na Merry X-mas!

3. Dog poop.
Sobrang prone ko dito, kailangan pa akong sabihan ni B. =) ikaw ba naman kasi ang maglakad sa kalsada na puro...

2. I hate traffic!
Lalo na dito sa Cavite. Ang buhos-buhos nila na inaabot ng isang oras.

1.
I HATE B'S FRIEND A. I want to kill her! Kung may super power lang ako, gusto ko yung bumubuga ako ng apoy pag nakikita ko sya. She's so freaking annoying! Sobrang yabang, sobrang yabang, sobrang yabang. Pinaglihi ata sa hangin. Di ko alam kung bakit sya ganun, she's not even good looking. B told me na baka yun lang yung defense mechanism nya. Siguro nga, pero nakakabwisit pa din. She boast about her so called girlfriends, her 5,000.00 checking account and even her payslip. She boast about everything na alam mong puro walang katotohanan. She's stupid, or she acts stupid on purpose kasi papansin sya.

That's all... I really hate her. =)

Wednesday, July 28, 2010

a 4:30 habit

Eto ang oras ng pagsakit ng ulo ko. Sobrang hirap gisingin ni B! Naasar ako, minsan pinipilit ko syang di gisingin para di na uminit ang ulo ko pero di ko parin matiis. 6:45pm kasi ang pasok ni B sa work, kelangan maaga syang pumasok kasi medyo may kalayuan bahay namin sa office nila. Pero ok lang, nasanay na din ako sa kanya, yun nga lang nabubwisit parin ako. Lalo na pag gising nya tapos nakasimangot sya. Argh!

Sobrang low ng temper ko kaya madali akong magalit. Kaya madami akong kaaway. =) sabi nga ni B masyado daw akong defensive. Pero sa palagay ko hindi naman, sobrang ayaw ko lang sa makukulit na tao. Kung sa unang tanong mo makikiride pa ako sayo, pero pag inulit mo pa yan, ikaw ng makiride sakin... kasi di na ko titigil na ipakitang nabubwisit ako sayo.

Pero kay B, araw araw mang ganito kami...di ko parin sya natitiis. Ganun talaga siguro pag mahal mo yung isang tao.

Wag kang gagamit ng BAKIT sa taong baliw. I am mentally healthy naman pero one time nabwisit ako sa tanong na bakit. Feeling ko sumabog ako, at parang gusto kong pumatay ng tao sa unang pagkakataon. Hanggang ngayon pag naiisip ko yun nabubwisit parin ako. Kung ikaw ba naman, tanungin ka ng bakit at sinagot mo nung una tapos susundan nya ulit ng bakit hanggang sa makawalong bakit. Sino ba naman ang matinong tao na matutuwa dun? I really hate her! She's so stupid and so mayabang. (Anyway, she's B's friend) Di ko nga alam kung panu natitiis yun ni B. Sobrang magkaiba sila ni B, B is so smart at walang kayabangan sa buhay. (hindi mayabang si B kaya ako nalang ang magyayabang para sa kanya. ;))

Tuesday, July 27, 2010

I can't even think straight

"Siguro nasaktan ka ng sobra kaya ayaw mo na sa lalake." naalala ko may nagsabi nito sakin dati.

Bakit kaya ganito ang pumapasok agad sa isip nila? Kung isa ito sa mga rason kung bakit ayaw mo na sa lalake, siguro... siguro wala ng straight. We all get hurt, syempre tao lang tayo. Pero this isn't enough reason para maging ganto at ganun ka.

Ako? Bakit nga ba ako ganito? Madali lang, because I fall in-love. Simpleng sagot sa simpleng tanong. Yun nga lang, mas naiinlove ako sa babae kesa lalake.

Kung lalake talaga ang gusto mo, masaktan ka man ng milyong beses sa lalake ka pa rin mahuhulog.

Di nya ata alam na hindi lahat ng babae eh lalake ang gusto. O Ego nya lang yun? whatever it is, wala akong pakialam. Di ko na kailangan pang i-elaborate pa sa kanya.

WELCOME TO THE LESBO LAND



Years ago nung na-realize ko na babae din pala ang gusto ko, feeling ko sobrang init ng pagwelcome nila sa akin. Parang may fireworks at confetti pa. Di ko naman sila pansin dati eh. I know they exist but I just don't care. Pero nung naging kami ni ilog, parang kabote lang sila kung magsulputan. Andami pala nila, bat di ko sila napansin? Ewan ko...di ko din alam ang sagot...

May inintroduce na site sakin si ilog at dun mas madami pa akong nakilala isa na dun si B. May
femme (typical na kikay na lesbian) na minsan gusto din ng kapwa femme, may Butch (yung mga tulad ni B) na may dalawang uri "soft" at "hard" ang arte! May bisexual (pwede sa girl pwede sa boy) at may Downe (down to all daw to sabi ni ilog) pwede kahit kanino.

Madami narin akong nakilala, yung iba naging kaibigan at naging kaaway . Pero karamihan sa kanila di ko nakita. Madami sila may maputi, may maitim, bata, matanda, maganda, medyo maganda, medyo di maganda, may payat, mataba, kulot, salot...hehe... may parang tatay, may sobrang yabang, may pacute, may cute.... At syempre di papahuli ang mga naglipanang jejemon.

Swerte ko kay B, hindi kasi sya jejemon. =) mabait, di mayabang, maputi, matalino at may sense kausap. Yun nga lang walang perfect, medyo malusog sya at di rin matangkad, pero cute naman (sabi nya)=).

Una palang di ko na tinago na ganito ako, sa nanay ko una akong nagkumpisal. Di naman sya na shock siguro kasi modern mom na sya. Di nagtagal nalaman narin ng buong pamilya at ng buong barangay. Di ako nahirapan na maging ganito pero di rin naging madali, madami paring kokontra at kokontra sayo, madaming tenga sa paligid mo at ayun paglabas mo instant celebrity kna! Ganto sa amin, wala kasing magawa ang mga tao dun kundi pag usapan ang buhay ng ibang tao. Wala silang pakialam kung may kakainin ba ang pamilya nila. Ang importante sa kanila eh updated sila. Pero wala akong pakialam sa kanila, lalabas ako ng taas noo at wala akong pakialam kung may maapakan akong ano....

"Bakit yan? Anu bang makukuha mo dyan?" eto ang madalas na tanung sakin ng mga lalake, na kala mo eh kung sinong umasta. "bakit sayo anung makukuha ko?" eto naman ang lagi kong sagot. Minsan kasi yung mga lalakeng ganyan eh yung mga wala namang maipagmamalaki, mga tambay. Mahirap makuha ang respeto lalo na ng mga tulad nila.

"Panu ka pagtanda mo wala kang makakasama." worried si mama sa future ko. "sus! andami ko kayang pamangkin, gusto mo pa ba ng apo?" di ko siniseryoso mama ko pag alam kong magdadrama na sya. Iiwas nalang ako para di na magbukas ng panibagong conversation.

"Ayaw mo bang magkaanak?" tanong naman ng mga kaibigan ko. "Gusto! syempre. pero kailangan namin ng 100,000.00 para makabuo makakapagdonate ba kayo?"

Masaya ako, di pa ba sapat yun?

Monday, July 26, 2010

B's REQUEST



Kinilig si B nung nabasa tong blog ko. Kanina pag-uwi sabi nya gumawa pa daw ako. Ito lang kasi ata ang na-access nya sa Office nila, inspirasyon nya daw para di uminit ang ulo nya sa mga iritadong customer nya. Call center agent si B at ako naman isang butihing may bahay nya. =) Maalaga si B katunayan nyan nung una kaming nagkita 90lbs lang ako pero ngayon 120lbs na. At ngayon pilit kong binabalik sa dati ang timbang ko, at hindi yun madali. Ngayong araw ko lang napagdesisyunang alisin na ang rice sa pagkain ko. Wish ko lang kayanin ko. Sa pagkain kasi kami sobrang nagkakasundo ni B, madalas kaming kumain sa labas. Natuto din akong magluto dahil sa kanya. At lahat ng luto ko paborito nya.

Live-in kami ni B ng mahigit 2 years na. Pero hindi yun halata kasi sweet parin kami palagi, di kami nagsasawa sa isa't isa. Di kami nawawalan ng pagkukwentuhan, madalas madami syang baong tsismis galing office nila. PDA kami kung PDA pero light lang. Sabi kasi sa wiki PDA daw
"is the physical demonstration of affection for another person while in the view of others. Holding hands or kissing in public are commonly considered to be unobjectionable forms of public displays of affection". Madalas holding hands kami sa jeep, paglabas ng bahay,sa mall, at sa lahat ng lugar. Tinatanggal lang namin pagkapawisan na pareho ang kamay namin. Nakikiss din kami pero smack lang. Medyo conservative din kasi si B.

Naalala ko dati nung nakasakay kami sa jeep, may kasakay kaming dalawang gay. Tinititigan nila si B at nag uusap sila gamit ang sarili nila language. Naiintindihan ko yung iba. "May fes." sabi nung isa. "ma, bayad po detachment lang." pag-abot ni B ng bayad, tumili sila at parang nandiri. "babae din pala." hahahaha! nakajacket kasi si B kaya di halata. Pero pagnagsalita, huli sya! Madalas nga syang natatawag na sir sa mall, palagay ko alam din nilang babae si B kaso naaasiwa lang silang tawaging ma'am kasi mukha na syang lalaki.

Mukha lang lalaki si B pero pagdating sa ugali mas babae sya kesa sa akin. Mas masungit sya, mas duwag, mas maarte. Mas madaldal lang ako kesa kanya. Tahimik lang sya, pero pag nagsalita may laman, may sense. Di sya mayabang. Kung medyo mahina ka di mo magegets ang jokes nya. Eto ata ang natutunan nya sa kakabasa ng libro na puro sarcasm.

Past time namin ni B ang manuod ng comedy cartoons, paborito namin yung may mga character na tangang tatay. "Family Guy, The Simpsons at American Dad" at ang mga salbaheng character tulad ng "south park" gantong comedy ang gusto namin. Di yung TWILIGHT. Last month kasi nanuod kami ng Twilight para lang makarelate sa sa mga kafacebook namin. At di ko alam na comedy pala yun, ewan ko ba. Bat di ako natatawa? Bat yung mga kasabay naming nanuod eh tawa ng tawa? Comedian ba yung tatay ni bella? Pag linya nya na kasi eh magtatawanan na naman yung mga katabi ko. Naisip ko tuloy "Naintindihan ko ba talaga ang pinanunuod ko?" Tiningnan ko si B di rin sya natatawa. Nabubwisit na sya sa katabi nya na salita ng salita na "si Edward, si Edward!" Habang nagkikiss si Bella at Jacob. "Hello Miss! alam kaya ni Bella na andun si Edward wag mo ng sabihin!" Kaasar pag ganto ang mga katabi mo sa movie house. Gusto ko naman ang Twilight dahil sa character ni Edward na parang too good to be true. Pero ang di namin makakalimutan ni B eh yung matambok na Pwet ni Jacob. Totoo ba yun? hehehe

BOB MARLEY ON HOW TO LOVE A WOMAN


“You may not be her first, her last, or her only. She loved before she may love again. But if she loves you now, what else matters? She’s not perfect – you aren’t either, and the two of you may never be perfect together but if she can make you laugh, cause you to think twice, and admit to being human and making mistakes, hold onto her and give her the most you can. She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break – her heart. So don’t hurt her, don’t change her, don’t analyze and don’t expect more than she can give. Smile when she makes you happy, let her know when she makes you mad, and miss her when she’s not there.

I so so love this quote. Kay B ko to nalaman, nabasa ko sa facebook nya. Para sa'kin daw to ginawa nya nung umuwi ako ng Bicol. Sweet nya noh? kahit di sya yung totoong nagsulat, tagos pa din.

dark beauty


Nagtanong si B kung bakit daw Dark Beauty ang nilagay kong pangalan dito eh hindi naman daw ako dark. Meaning lang to ng real name ko, wala kasi akong maisip na iba. Eto yung iba pang meaning ng pangalan ko "Born at Night," "Dark-haired Beauty" or "Dark Beauty." Di ko kasi alam kung gabi ako pinanganak itetext ko pa nanay ko para tanungin eh matagal magreply yun kelangan ko ng gumawa ng account dito kasi wala na akong magawa. ok lang din sana kung Dark-haired Beauty ang nilagay ko kasi dark naman hair ko dati kaso nagpahair color ako kaya di na sya dark.

Sunday, July 25, 2010

borderline



Emotionally unstable personality disorder, eto ang alternative definition ng Borderline.

"it is a condition characterized by impulsive actions, rapidly shifting moods, and chaotic relationships." sabi ng reviewer namin sa psychology.

"Often there is dependency, separation anxiety, unstable self-image, chronic feelings of emptiness, and threats of self-harm (suicide or self-mutilation)" dagdag nya.

Di ko alam kung bakit tiningnan ako ng mga kaibigan ko. Pati ng ex ko si ilog, "ikaw ata dinidescribe ni sir." sabi nya... "feeling mo?" pataray na sabi ko.

Siguro karamihan nga nito nasa personality ko pero I don't think I have this disorder (denial). ewan ko ba... Ako ba talaga? Borderline? ako? ewan ko...

Pero palagay ko hindi, kasi di naman ako nagkaron ng separation anxiety nung naghiwalay kami. Masaya pa nga ako. Lalong hindi ako nag attempt ng suicide, di ko sasayangin buhay ko sa kanya (bitter?) Hindi, this applies to everyone di ko sasayangin buhay ko para sa ibang tao. By nature moody talaga ako pero hindi naman rapid, palagay ko lahat naman tayo moody. diba?

Hindi rin naman Chaotic mga relationships ko, yun nga lang di nagtatagal. (parang yun na ba yun? =)) Di ako inaabot ng taon sa mga relasyon ko (that was before ilog and before I realized na Babae din pala ang gusto ko.) 2 years kami ni ilog, sya yung first girlfriend ko college classmate ko sya and she's 11 years older than me. Kaya madami kaming differences. Natapos kami ng parang wala lang after ng Board exam. Pero bago pa si ilog na expose na rin ako sa lesbian pero nasa denial stage pa ata ako nun.

Then I met B, sa mall habang nagwawalis ako. (yan ang madalas naming sagot pag tinanung kami kung panu kami nagkakilala) unang kita ko palang sa kanya may spark na, parang fireworks display lang. hehehe... Then we started dating, after ilang araw kami na. Di naman daw kasi uso ang ligawan sa same sex relationship, sabi nya. Well okay, di naman ako pakipot eh. =)

Medyo matagal na kami ni B almost 3 years na. Pero parang laging first meeting lang namin kasi di nawawala yung spark. (oh diba sobrang cheesy?) I really do love her, and I keep falling inlove with her every single day...